Wednesday, 19 December 2018

DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OF BARANGAY CALUMPANG BINANGONAN, RIZAL


                           Barangay Hall ng Barangay Calumpang sa Binangonan, Rizal 

Hazard Identification
Maraming kalamidad na ang tumama at naranasan ng aming barangay, ang Barangay Calumpang sa Binangonan, Rizal. Ilan sa mga ito ay ang flash flood, bagyo, hanging habagat, at lindol. Mas lumalala pa ang naidudulot ng mga ito partikular na ang bagyo dahil sa pagkakaroon ng maraming basura sa paligid. Bago pa man ay nalalaman na ng aming barangay kung may paparating na bantang sakuna sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa Municipal Information Office at pagtutok sa mga balita. Kalimitan, ang mga kalamidad ay dumarating sa aming barangay nang hindi nalalaman o inaasahan subalit makakabuti at makakabawas sa pinsala ang maagang paghahanda.

                          Ako kasama ang isang Barangay Official ng Barangay Calumpang

Vulnerability, Elements and People at Risk Management
Ang mga pinakadelikadong lugar na maaaring higit na mapinsala sa aming barangay ay ang mga malalapit sa dalampasigan dahil maaari silang mapinsala ng flash flood, tsunami at iba pang pandagat na sakuna. Maging ang mga malalapit sa tabi ng kabundukan ay maaaring maapektuhan ng landslide. Ang mga middle class at low class family naman ang maaaring maapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyo at sunog dahil sa uri at yari ng kanilang kabahayan. Maaaring ang maging epekto pag tumama ang sakuna sa tao ay ang pagbagsak ng ekonomiya o tinatawag na inflation rate. Maaaring ang agrikultura at imprastraktura ay mapinsala pagtumama ang sakuna. Mayroong inilalaan ang aming barangay na evacuation center kung sakaling tumama ang sakuna o kalamidad. Ito ang pinakaligtas na lugar na maaaring puntahan ng mga maaapektuhan. Ang isang tukoy na lugar na mapipinsala kung sakaling tumama ang kalamidad o panganib ay sa sinasabing fault line dahil ito ang mga lugar na mahina ang pundasyon at malapit sa panganib, kaya’t ang pamahalaan ay nagbibigay babala sa mga lugar malapit dito. Ang mabagal na aksyon ng pamahalaan ang isa sa mga dahilan na pumipigil upang makabangon sa pagkasalanta sa kalamidad, o maaaring sa hirap na maabot ang lugar na nasalanta at hindi agarang matugunan ang pangangailangan sa lugar na naapektuhan ng sakuna o yung tinatawag na accessibility.


   Kuha mula sa aking Community Walk. Ito ay isang lugar na delikado dahil binabaha tuwing may bagyo.

Capacity and Disaster Management Assessment
Bilang paghahanda, ang aming barangay ay nagsasagawa ng mga drill at nagtuturo sa mamamayan kung ano ang nararapat gawin kung may kalamidad o sakuna, nagbibigay babala at nagbibigay ng information campaign kung sakaling dumating ang mga kalamidad. Mayroong ring plano ang aming barangay pagdating sa mga sakuna at kalamidad at ang programa nito ay napakaloob sa proyekto ng pamahalaang bayan. Ito rin ay naghahanda sa mga kalamidad tulad ng pagbili ng mga kagamitan sa kalamidad at mga gamit na maaaring makatulong sa mga mamamayan tulad ng generator, first aid equipment, mga hygiene kit, flashlight, whistle at mga personal na gamit ng mga mamamayan. Ang Barangay Risk Reduction Management Committee ang mga taong namamahala sa pagharap at pagtugon sa kalamidad sa pakikipagtulungan ng kapitan ng barangay at mga barangay council.

Isa pang kuha mula sa aking Community Walk. Ito ay isang ligtas na lugar dahil hindi ito binabaha tuwing may bagyo. 

Ang isyu na hinaharap ng aming barangay ay ang patuloy na pagbaha sa tuwing may bagyo. Ito ay dahil ang aming barangay ay malapit sa laguna lake. Ang posibleng gawin ng gobyerno ay paalisin ang mga nakatira sa mabababang lugar at palipatin sa mas ligtas at mataas na lugar. Ang pagiging handa para sa mga kalamidad ay dapat magsimula muna sa bawat pamilya sunod sa bawat barangay, bayan at isang buong bansa. Sa tingin ko, ang aming barangay ay handa sa anumang sakunang darating bagamat mayroon pang mga kulang na kagamitan. Sana maging ang ibang barangay ay kasing handa ng amin ng sa gayon ay buong bansa tayong maging handa. Mahalaga na tugunan at bigyan natin ng pansin ang mga isyung ito upang malaman ng gobyerno kung ano pa ang ating kailangan at maibigay nila ito. Bilang isang miyembro ng komunidad, maaari akong makatulong sa iba sa pamamagitan ng paghahanda sa anumang sakuna na maaaring dumating.Maaari kong ibahagi ang aking mga kaalaman at dapat gawin sakaling may kalamidad.

Huling kuha ko sa aking Community Walk. Ito ay isang maipagmamalaking kalye dahil ito ay laging malinis.